^

Metro

Hapones nagbigbi

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang masusing imbestigasyon na ngayon ang isinasagawa ng Pasay City Police upang makumpirma kung talagang nagpatiwakal ang isang Japanese national na natagpuang nakabigti sa isang tulay sa   lungsod kamakalawa ng gabi.

Kinukumpirma pa rin naman nina Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay Police kung ang nakuhang pangalan na Takai Saburou ang tunay na pangalan ng nasawi base sa narekober na credit card dito.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-7:30 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ni Saburou na nakabigti sa ginagawang Libertad­ Bridge sa kahabaan ng JW Diokno Boulevard. Nakasuot ang biktima ng jogging pants, puting t-shirt, ball cap at leather na sapatos, nasa pagitan ng edad na 50-60 anyos.

Bukod sa pagbibigti, wala nang ibang nakitang pinsala buhat­ sa katawan ng biktima. Nakipag-ugnayan na ang Pasay police sa Japanese embassy upang ipabatid ang pag­kasawi ng bik­tima at upang makumpirma ang pagkatao nito.

Samantala, dakong alas-7:30 kahapon ng umaga nang ma­diskubre ang pagbibigti ng 32-anyos na si Wences Almuete, binata, sa loob ng kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa no. 1102 Lombos Compound, Manuyo 1, Las Piñas City.

Nadiskubre ang nakabigting bangkay ni Almuete ng tiyahin nito na si Estrella Almuete. Nabatid na unang sumama ang loob ng biktima sa kapatid nitong babae nang hindi umano pautangin ng P3,000. Nagsumbong ito sa kanilang ina ngunit hindi ito kinampihan kaya nagbanta na magpapakamatay.

CHIEF INSP

DIOKNO BOULEVARD

ESTRELLA ALMUETE

JOEY GOFORTH

LAS PI

LOMBOS COMPOUND

PASAY CITY POLICE

PASAY POLICE

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

TAKAI SABUROU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with