^

Metro

Misis, hipag at biyenan niratrat

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Tatlo ang nasawi makaraang magwala at pagbaba­rilin ng isang lasenggong mister ang kaniyang misis, hipag at biyenan dahil lamang sa hindi naihandang pulutan sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Napatay ng suspect na si Ronald Cruz, 37, dating­ seaman, kasalukuyang em­pleyado bilang messenger ng Philippine Reclamation Authority at residente ng   Masinop St. Tondo, Maynila ang kaniyang misis si Gina Cruz, 36; ang biyenang si Senecia Valencia, 60, at hipag nitong si Loreta Venturina, 40, na naisugod pa sa Mary Johnston Hospital su­balit binawian din ng buhay.

Masuwertemg hindi na­puruhan ang fiancee ni Loreta na si John Walker, 44, American national at mi­yembro ng US Air Force, na ginagamot din sa nasabing ospital dahil sa tama ng bala mula sa 9 mm. kalibre ng bala.

Sa ulat ni SPO1 Ge­rardo Rivera ng Manila Police District-Homicide Section, naganap umano ang insidente­ dakong alas-7:35 ng gabi sa nabanggit na lugar kung saan magkakasama ang mga biktima at suspect.

Umuwi umano ng bahay ang suspect mula sa pakikipag-inuman na galit na galit at kinompronta ang misis kung bakit hindi dinala ang ipinalulutong pulutan.

Habang nag-aaway ang mag-asawa ay nakikiawat pa ang menor de edad na si Ralph at biyenang si Se­necia. Sa halip na humupa, kumuha ng baril ang suspect at ikinasa sa bahagi ng kusina at saka binaril ang asawa sa ulo at isinunod ang biyenan, hipag maging ang umaawat na dayuhang bayaw na hilaw. Matapos ito ay mabilis na tumakas ang suspect.

Nagsasagawa na rin ng manhunt operation ang MPD-Homicide Section sa pangunguna ng hepe nitong si S/Insp. Joey de Ocampo para madakip ang suspect na hinihinalang gumagamit na rin ng iligal na droga, batay sa nakalap na impormasyon sa mga kaanak. 

vuukle comment

AIR FORCE

DISTRICT-HOMICIDE SECTION

GINA CRUZ

HOMICIDE SECTION

JOHN WALKER

LORETA VENTURINA

MANILA PO

MARY JOHNSTON HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with