^

Metro

Caregiver timbog sa rape

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Arestado ang isang caregiver makaraang gahasain nito ang isang 46-anyos na ma­tandang dalagang kapitbahay kama­kalawa sa Caloocan City. Nakapiit na sa Caloocan City Police at nahaharap sa kasong rape ang suspek na si Gary Burlat, 26, ng Pio Valenzuela St., McArthur Hi-way ng nasabing lungsod. Personal na dumulog sa tanggapan ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Caloocan City Police upang pormal na magsampa ng kaso ang biktimang itinago sa pangalang Lorena, 46, at kapit­bahay ng suspek. Base sa imbestigasyon ni PO3 Gigie de Jesus­, dakong alas-3:00 ng hapon nang ma­ganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima. Ayon kay Lorena, nagbibihis siya sa kanyang silid nang bigla na lamang pumasok ang suspek saka puwersahan siyang ginahasa. Tinangkang manlaban ng biktima subalit pinagbantaan umano siya ng suspek na papatayin kapag sumigaw hanggang sa maisakatuparan ni Burlat ang makamundong pagnanasa nito sa dalaga. Matapos ang insidente, iniwan ng suspek ang biktima, subalit agad na nagtungo sa pa­gamutan si Lorena saka tumuloy sa naturang himpilan ng pulisya para magsampa ng kaso na naging dahilan upang arestuhin si Burlat.

  

vuukle comment

ARESTADO

AYON

BURLAT

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

GARY BURLAT

LORENA

PIO VALENZUELA ST.

PROTECTION DESK

WOMEN AND CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with