^

Metro

Ex-FBI agent biktima ng 'Akyat-bahay gang'

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang retiradong ahente ng Federal Bureau of Investigation ng Estados Unidos ang naging biktima ng kilabot na Akyat-Bahay Gang kamakalawa sa Pasay City. Nakilala ang dayuhang biktima na si Michael Brown, 44, nagpa­kilalang dating FBI agent, at naninirahan sa Kalayaan Village, Pasay City. Kasama nitong dumulog sa Pasay City Police ang misis na si Krizzalyn Brown Dumundon, 22. Sa salaysay ng dalawa sa pulisya, umalis sila ng bahay at dumalo sa isang party sa may Atrium Hotel sa Gil Puyat Avenue dakong alas-9 ng gabi noong nakaraang Sabado. Bumalik lamang­ sila ng kanilang bahay dakong ala-1:45 ng Linggo ng hapon kung saan agad na napansin na sira ang pintuan sa kanilang silid na iniwan nilang nakakandado. Nadiskubre rin nila na nawawala na ang kanilang mga alahas at iba pang mahahalagang gamit.   

AKYAT-BAHAY GANG

ATRIUM HOTEL

BUMALIK

ESTADOS UNIDOS

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

GIL PUYAT AVENUE

KALAYAAN VILLAGE

KRIZZALYN BROWN DUMUNDON

MICHAEL BROWN

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with