^

Metro

Skybridge sa Metro, isusulong ng MMDA

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isinusulong ngayon ng Metro­politan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) ang ambisyosong proyektong “Skybridge” sa Metro Manila na gagastos ng multi-bilyong pondo.

Sa panayam sa tele­bisyon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, lubhang kaila­ngan na ng Metro Manila ang naturang mga uri ng proyekto na siyang solusyon para mapaluwag ang daloy ng trapiko.

May habang 8.3 kilometro ang panukalang Skybridge na magdudugtong sa E. Rodri­guez Avenue sa Quezon City hanggang sa Makati City. Isinumite na ng MMDA ang construction plan sa National Economic Development Authority­ (NEDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para ma­aprubahan ito.

Sa pamamagitan nito aniya­, magiging 15 hanggang 18 mi­nuto na lamang ang biyahe papunta sa magkabilang lungsod. Humingi naman ng dag­dag na pang-unawa si Tolentino sa mga motorista dahil sa ina­asahang pagsisikip pa ng trapiko sa ilang mga lugar sa EDSA dahil sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways. Bukod sa “road re-blocking”, may dalawa ring flyover na itatayo ang DPWH sa may Lanuza at Julia Vargas Ave­nue sa may Pasig na ma­aaring makaapekto sa daloy ng trapiko sa EDSA.

Hiniling ni Tolentino sa DPWH na kumuha muna ng right of way para makagawa ng dalawang bagong lane sa may tabi ng Tiendesitas upang daanan ng mga motorista bago umpisahan ang proyekto sa mga flyover na tatagal ng 14 na buwan na konstruksyon.   

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

JULIA VARGAS AVE

MAKATI CITY

MANILA DEVE

METRO MANILA

NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

SHY

SKYBRIDGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with