^

Metro

Kuya tinodas ng 15-anyos na utol

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Napatay ng isang 15-anyos­ na binatilyo ang kanyang 21-anyos na kuya nang dahil lamang umano sa pagkasaid ng gasolina ng motorsiklo na kanilang ginagamit sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dakong alas-9:20 ng gabi nang ideklarang patay sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Ericson Belmonte ng Amarhanlagui St., Tondo dahil sa pagkabaon sa dibdib ng 10 pulgadang kut­silyo na itinarak sa kanya ng 15-anyos niyang kapatid na itinago sa pangalang Totoy.

Ayon sa ulat ni PO1 Richie Caligagan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:00 ng gabi kamakalawa pag-uwi ni Totoy ay galit na inalam ni Ericson ang tangke ng motorsiklo na ginamit ng una.

Pinagalitan umano ng nasawi ang nakababatang kapatid matapos matuklasan na nasaid ang gasolina sa motorsiklo na pag-aari ng kanilang ama.

Tuluyang nagtalo ang da­lawa hanggang sa makitang tumatakbo na ang biktima, na inakalang sinuntok lamang. Nang bumulagta ang biktima, nakitang hawak nito ang dibdib­ na umaagos ang dugo.

Si Totoy ay nasa kustodiya ngayon ng MPD-Homicide Section para sa imbestigasyon at nakatakda na ring ilipat sa pangangalaga ng Manila-Department of Social Welfare.

vuukle comment

AMARHANLAGUI ST.

AYON

ERICSON BELMONTE

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MANILA-DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE

MARY JOHNSTON HOSPITAL

RICHIE CALIGAGAN

SI TOTOY

TOTOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with