^

Metro

17-anyos inakalang nambulyaw, inutas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang 17-anyos na binatilyo na inakalang nambulyaw ang iniulat na napagtripang paslangin matapos kuyugin at barilin ng limang kalalakihan sa Rizal Avenue sa tapat ng Jose Reyes Memorial Medical Center, Sta. Cruz, Manila kahapon ng madaling-araw.

Napuruhan sa dibdib ng bala ng sumpak ang biktimang si Fernando Mendoza  Jr., estudyante at nakatira sa JC Cruz Street, Barrio Obrero ,Tondo, Maynila.

Arestado naman ang tatlo sa limang suspek na sina Robert Palacio, 36, messenger; Danilo Riomalos, 43, pintor; at si Jacinto Dante, 32, tricycle driver, pawang nakatira sa Quiricada Street, Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ni PO2 Bernardo Cayabyab, may hawak ng kaso,  dakong ala-1:45 ng madaling-araw, lulan ng pampasaherong jeepney ang biktima kasama ang kanyang nobya at pinsan patungo sana sa Rizal Park.

Gayon pa man pagsapit sa harapan ng nasabing ospital ay may namataang nag-aaway na bakla at isang lalaki kung saan biglang may sumigaw na “bawal ang bakla dito”.

Sa pag-aakalang ang sumigaw ay nasa loob ng jeepney ay pinababa ng mga suspek ang biktima kung saan sumiklab ang kaguluhan hanggang sa pagtulungang gulpihin at barilin ang binatilyo.

Samantala, nakunan naman ng video ng came­raman ng FOCAP ang naganap na kaguluhan kung saan makikilala ang responsable sa krimen.

BARRIO OBRERO

BERNARDO CAYABYAB

CRUZ

CRUZ STREET

DANILO RIOMALOS

FERNANDO MENDOZA

JACINTO DANTE

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MAYNILA

QUIRICADA STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with