Lolo natagpuang patay

MANILA, Philippines - Isa nang malamig na bangkay nang matagpuan ang isang 78-anyos na lolo sa isang bakanteng lote sa Valenzuela City kahapon.

Kinilala ang biktimang si Ernesto Acosta, isang basurero, nakatira sa #6004 panulukan ng Del Mundo St. at Tatalon Road, Barangay Ugong ng nabanggit na lungsod.

Samantala, blanko pa ang pulisya kung sino  ang salarin at ano ang naging dahilan ng kamatayan ng biktima dahil kinakitaan ito ng  sugat sa kanyang ulo.

Sa imbestigasyon ng Valenzuela City Police, dakong alas-5:00 ng umaga nang matagpuan ang biktima ng kanyang kapitbahay na si Maricel Ominga sa isang bakanteng lote  sa tinitirahan  nito  sa nabanggit na lugar.

Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

Show comments