Obrero, todas habang naglilinis ng aircon
MANILA, Philippines - Patay ang isang hindi pa nakikilalang obrero matapos itong mahulog habang naglilinis ng air-condition sa isang unibersidad sa Makati City kamakalawa.
Sa sketchy report ng Station Investigation Division (SID), Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-2:15 ng hapon sa admin office ng University of Makati, J.P. Rizal Extension ng nabanggit na siyudad.
Nabatid na isang lalaki ang natagpuan na wala nang buhay, kung saan nahulog ito habang naglilinis ng air-condition sa may rooftop ng nabanggit na gusali.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.
- Latest
- Trending



















