^

Metro

Maging masinop, matatag ngayong New Year

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Manila City Hall Administrator Jesus Mari Marzan ang Manilenyo na maging masinop at panatilihin ang tatag ng loob at panalangin sa Diyos kasabay ng pagpasok ng Bagong Taon.

Ayon kay Marzan, hindi dapat na magpatalo ang sinu­man sa hamon ng buhay at sa halip ay magsilbi itong inspirasyon upang labanan ang kahirapan.

Sinabi ni Marzan na ang matinding dasal at panalangin lamang ang makaka­tulong upang malagpasan ng bawat isa ang anumang krisis na dumarating.

Aniya, dapat din na ma­ging masinop sa pamumuhay ang mga Manilenyo at iwasan na bumili ng mga bagay na hindi naman kaila­ngan. Mas dapat na bigyan ng prayo­ridad ang mga pa­ngunahing pa­ngangailangan.

Samantala, umaasa naman si Manila 3rd District Councilor Re Fugoso na gi­ginhawa ang pamumuhay ng Manilenyo sa tulong na rin ng mga local officials.

Giit ni Fugoso, hindi umano dapat na mawalan ng pag-asa ang sinuman na makaka­ahon sa hirap ng buhay.

Paliwanag ni Fugoso, hindi naman tumitigil si Manila­ Mayor Alfredo Lim, Vice Mayor Isko Moreno at ang konseho ng Maynila sa pag­ha­hanap at pagbibigay ng tulong sa mga residenteng nangangailangan ng tulong.

BAGONG TAON

DISTRICT COUNCILOR RE FUGOSO

FUGOSO

MANILA CITY HALL ADMINISTRATOR JESUS MARI MARZAN

MANILENYO

MARZAN

MAYOR ALFREDO LIM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with