^

Metro

Negosyante tinodas ng kaibigan

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng kanyang ka­ibigan habang sakay ng kanyang motorsiklo kama­kalawa ng gabi sa Sta. Ana, Maynila.

Apat na putok ng baril ang tumapos sa buhay ni Crisostomo Busano, 40, ng Radium St., San Andres Bukid, Maynila. Idineklara itong dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital.

Agad namang nagsasagawa ng manhunt operation ang pulisya laban sa suspect na si Jake Alvarez, 35, ng San Andres Bukid.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:05 ng gabi sa kahabaan ng Onyx St., Sta.Ana, Maynila.

Nabatid na sakay umano ang biktima ng kanyang kulay itim na Honda dash (7285 TP) at pagsapit sa lugar ay pinagbabaril ng suspect.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pagpaslang sa suspect, bagamat sinabi ng misis ng biktima na si Julieta na nawawala ang P10,000 cash na nasa wallet­ ng kanyang asawa.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa nasabing insidente.

vuukle comment

ANA HOSPITAL

APAT

AYON

CRISOSTOMO BUSANO

JAKE ALVAREZ

MAYNILA

ONYX ST.

RADIUM ST.

SAN ANDRES BUKID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with