^

Metro

14-anyos dedo sa kaaway ng ama

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 14-anyos na binatilyo matapos na barilin at pagbuntunan ng isang lalaki dahil sa matinding galit sa ama ng una, kamakalawa ng hapon sa may Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Mohammad Diong, tubong-Jolo,Sulu at residente ng Baseco, Port Area, Maynila, dahil sa tama ng bala sa dibdib. Tumakas naman ang suspect na nakilalang si Jugie Umandac, ng naturang lugar.

Naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon sa may Block 1 at 2 New Sight, Baseco, Port Area, Maynila.

Nalaman na nagmamaneho umano ng motorsiklo ang biktima nang harangin ng suspect at walang sabi-sabing binaril ito ng suspect na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Bago maganap ang insidente, inireklamo umano ni Odonnel­ Diong, ama ng biktima ang suspect sa kanilang barangay kung saan nagpang-abot ang dalawa sa loob ng barangay.

Naawat naman ang dalawa sa kanilang pagsusuntukan, pero binantaan ng suspect na papatayin si Odonnel.

Ayon sa pulisya, malaki ang posibilidad na sa anak ni Odonnel ibinunton ng suspect ang galit nito sa huli at nang hindi makita ay si Mohammad ang binaril nito.

AYON

BASECO

BASECO COMPOUND

DIONG

JUGIE UMANDAC

MAYNILA

MOHAMMAD DIONG

NEW SIGHT

ODONNEL

PORT AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with