Nene ni-rape slay ng manliligaw ng nanay

MANILA, Philippines - Isang 11-anyos na grade six pupil ang hinalay at pinatay ng lalaking bi­nasted ng ina ng biktima sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Louise Ann Maceda, residente ng Dalanghita St., San Vicente Ferrer, Brgy. 178, Camarin ng nasabing lungsod.

Nakakulong naman sa Caloocan City Police detention cell ang suspek na si Gerry Azarcon Villano, 25, factory worker at kapit­bahay ng biktima.

Sa report na natanggap ni Police Sr. Supt. Jude Santos, hepe ng Caloocan City Police, dakong alas-9:00 ng gabi nang matagpuan ang biktima na wala nang buhay ng kanilang mga kapitbahay sa kahabaan ng Sibik Center, Phase 6, Camarin.

Nabatid sa saksing nag­­ngangalang alyas “JR”, habang siya ay naglalakad sa nabanggit na lugar ay na­rinig niya na may umiiyak na bata, dahilan upang agad niya itong alamin.

Namangha ito nang makita nito na gina­gahasa ng suspek ang biktima at dahil­ sa labis na takot­ ng saksi ay dali-dali itong umuwi­ at kaagad na pina­alam sa kanyang mga ma­gulang ang nasaksihan.

Agad namang nagtungo sa himpilan ng pulisya ang mga magulang ni JR at ipinaalam ang insidente at nang rumesponde ang mga pulis ay patay nang na­tagpuan ang biktima.

Ayon sa SOCO ng Northern Police District, napag-alaman na namatay ang biktima sa pamama­gitan ng pagsakal dito.

Mabilis namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis, na nag­resulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Habang nasa him­pi­lan ng pulisya ay ma­riing itina­tanggi ng suspek ang ginawa nitong krimen, suba­lit isa sa mga ebiden­siyang nakita ng mga pulis ay ang brief ng suspek na may bahid ng dugo. Nabatid pa na ang suspek ay binasted umano ng ina ng biktima. Patuloy na iniimbestigahan ang nasabing kaso.

Show comments