^

Metro

Empleyado ng Pasay City hall namaril: 2 sugatan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Dalawa katao kabilang ang isang lolo ang nasa kritikal na kondisyon matapos na pagbabarilin ng isang kawani ng Pasay City Hall kahapon sa nabanggit na lungsod.

 Kapwa nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Leopoldo Balmes, 39, driver, ng United Parañaque 4, Parañaque City at Carlito Balmen, 61, ng Lakandula St., Pasay City, sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilalang si Angelo Corsame, empleyado ng Pasay City Hall Office.

Sa sketchy report ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng umaga sa Dizon Compound Brgy. 66 ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nina Balmes at Corsame na inaalam pa ng pulisya ang dahilan. Dito na nagwala ang suspek hanggang sa kumuha ito ng baril at pinaulanan ng bala ang mga biktima.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

ANGELO CORSAME

CARLITO BALMEN

DIZON COMPOUND BRGY

LAKANDULA ST.

LEOPOLDO BALMES

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY HALL

PASAY CITY HALL OFFICE

PASAY CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with