^

Metro

Mister nahulihan ng 1.5 kilo ng marijuana sa MRT

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isang mister ang nahulihan ng may 1.5 kilo ng marijuana na itinangka pa nitong isakay sa Metro Rail Transit (MRT), kamakalawa sa Cubao Station sa Quezon City.

Kaugnay nito, nagbabala ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa publiko na huwag ng magpalusot ng anumang uri ng kontrabando kung sasakay ng Light Rail Transit (LRT) at MRT.

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRTA ito nga ay makaraang masabat ng alertong guwardya si Hari Villa, 27, tubong Sta. Cruz, Laguna na sumakay ng MRT 3 sa Cubao station sa Quezon City noong Huwebes pero nang busisiin ang mga dala nitong gamit ay nakita ang nasabing marijuana na ibi­nalot ng dala niyang damit.

Agad na dinala sa MRT-3 Rail Police si Villa at itinurn-over sa Philippine National Police Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) para sa proper disposition at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Agad namang pinuri ng LRTA ang lady guard na si Janice Dayaday na siyang nakadiskubre sa dalang marijuana ni Villa.

Sa ngayon, ani Cabrera ay patuloy ang pagpapa­tupad nila ng mahigpit na seguridad sa lahat ng papasok at lalabas ng LRT at MRT para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng pasahero ngayong holiday season.

vuukle comment

CUBAO STATION

HARI VILLA

HERNANDO CABRERA

JANICE DAYADAY

LIGHT RAIL TRANSIT

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

METRO RAIL TRANSIT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CAPITAL REGION POLICE OFFICE

QUEZON CITY

RAIL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with