^

Metro

2 Sayyaf pumuga sa Bilibid

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Puspusan ngayon ang pagtugis ng mga awtoridad laban sa sinasabing dalawang puganteng miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na tumakas sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City sa mga posibleng pag­taguan ng mga ito sa Metro Manila.

Kinilala ang dalawang pugante na sina Roger Taures at Bayan Abbas, kapwa sangkot sa kaso ng kidnapping-for-ransom.

Nitong Biyernes ay su­mingaw ang pagkakatakas ng dalawang Abu Sayyaf sa medium security ng NBP na naganap noon pang Disyembre 9.

Sa kasalukuyan, ayon kay Bureau of Corrections (BUCOR) Director Gau­dencio Pangilinan nakipag­koordinasyon na sila sa PNP upang maibalik sa selda ang dalawang pugante.

Pinaniniwalaan namang hindi pa nakakalayo sa Metro Manila sina Taures at Abbas dahil sa mahigpit na seguridad na inilatag ng pulisya, partikular na sa mga pantalan, paliparan at bus terminals ngayong Kapaskuhan.

Nabatid na si Abbas, 45, ng Maharlika Village, Taguig City ay nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo sa kaso ng kidnapping-for-ransom.

Samantala, si Taures, 48, ay nasentensiyahang guilty sa kasong illegal detention.

Idinagdag pa ng opisyal na patuloy ang kanilang pag­suyod sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan na posibleng pinagtataguan ng dalawang pugante. 

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

BAYAN ABBAS

BUREAU OF CORRECTIONS

DIRECTOR GAU

MAHARLIKA VILLAGE

METRO MANILA

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

NITONG BIYERNES

ROGER TAURES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with