^

Metro

Fil-Swiss nagbigti

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Hinihinalang nagpakamatay ang isang 38-anyos na babae na Fil-Swiss makaraang matagpuan ang kanyang nakabigting katawan sa loob ng kanyang bahay kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si Hilda Kuffman, may hawak ng dual citizenship dahil sa Swisong mister, at naninirahan sa St. Agustin St., Maricaban, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay City Police, ang kanyang 9-anyos na anak na lalaki pa ang nakatuklas sa bangkay ng ina na nakabitin sa may hagdan sa ikalimang palapag ng gu­saling kanilang tinutuluyan dakong alas-4 ng madaling-araw makaraang hanapin ito nang mawala sa kanilang higaan. Isang nylon cord ang ginamit nito sa pagbibigti.

Ayon kay Dr. Nick Roxas, 51, bayaw ng biktima, bago ang pagpapatiwakal ay nagsimba pa ang biktima at walang imik nang bumalik sa kanilang bahay.

Nabatid na ito na ang ikalawang beses nang magtangkang magpatiwakal ang biktima dahil sa labis na kalungkutan makaraang hiwalayan umano ng mister na Swiso ngunit kanilang naagapan noong nakaraang taon.

Akala umano nila ay nakarekober na ang biktima sa kalungkutan na maaaring muling umatake ngayong panahon ng Kapaskuhan.

vuukle comment

AYON

DR. NICK ROXAS

FIL-SWISS

HILDA KUFFMAN

HINIHINALANG

ISANG

KAPASKUHAN

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

ST. AGUSTIN ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with