Police asset itinumba sa QC

MANILA, Philippines - Isa umanong asset ng pulisya ang binaril at napatay ng isa sa dalawang suspect sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Manuel de Leon, 43, ng Brgy. Bahay Toro, Project 8, sa lungsod.

Ayon kay Capili, dead-on-the-spot sa lugar ang biktima matapos ang pamamaril na nangyari sa Salaam Compound, Brgy. Culiat, ganap na alas-10 ng gabi.

 Nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala sa dibdib na siyang ikinamatay nito.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay isa sa mga nagbibigay ng impormasyon sa Quezon City Police District (QCDPD), ka­ugnay sa mga taong sangkot sa ilegal na droga.

Show comments