^

Metro

Babaeng sales agent tinarakan sa leeg

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang babaeng sales agent ang nasawi, habang isa pa ang malubhang na­sugatan makaraang tarakan ng saksak sa leeg ng isang hindi pa nakikilalang salarin matapos ang away trapiko sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sa lugar ang biktimang si Felma­ Cruz, 20, isang sales agent ng Kotse Network at residente ng Gulod St. Sapang Palay Pro­per, San Jose Del Monte, Bulacan­.

Habang inoobserbahan sa East Avenue Medical Center ang kasama nito na si Richard Ernie, 20, isa ring sales agent at naninirahan naman sa Brgy. San Roque, Park 3 San Jose Del Monte, Bulacan.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Mindanao Avenue Extension Brgy. Pasong Putik sa lungsod, ganap na alas-10:30 ng gabi.

Sinabi ni Jimena, isang testigo, na ang taong may kagagawan ng pana­naksak ay driver ng isang Isuzu Highlander na may tatak na UV express, pero hindi naman natukoy ang plaka nito.

Bago ang insidente, sinasabing patungo ang mga biktima sa Christmas party kasama ang ilang kasamahan sa trabaho sakay ng Starex van na minamaneho ni Archie Wage nang mabangga sila ng sasakyan na minamaneho ng suspect.

Kahit na ang suspect ang may kasalanan, nagbato pa ito ng maanghang na salita sa mga biktima, bago tuluyang sumibat.

Dito ay sinundan ng mga biktima ang sa­sakyan ng suspect at nang ma­abutan ay hinarang ito, saka bumaba sina Cruz at Ernie para komprontahin ang huli.

Sa puntong ito, nagka­roon ng mainitang pagta­talo hanggang sa saksakin ng suspect ang mga bik­tima sa leeg saka sumakay ng kanyang sa­sakyan at tumakas.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang pagkaka­kilanlan ng tumakas na suspect.

vuukle comment

ARCHIE WAGE

BULACAN

CRUZ

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GULOD ST. SAPANG PALAY PRO

ISUZU HIGHLANDER

KOTSE NETWORK

MINDANAO AVENUE EXTENSION BRGY

SAN JOSE DEL MONTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with