Pinatay pinagyabang: 3 bagets, 1 pa huli

MANILA, Philippines - Dahil sa pagyayabang ng kanilang pinatay na 16-anyos na high school student, inaresto ang tatlong bagets at isa pang kasamahan nitong suspect, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District-Homicide Section ang mga suspect na sina Marlon, 15; Marvin, 14; Michael, 15; at Richard­, 19, (’di tunay na mga pangalan) pawang residente ng Lallana St., Tondo, na sina­sabing kabilang sa kabataang nagtulung-tulong sa pananaksak at ikinasawi ng biktimang si Nicole Keith Franco, 4th year high school student ng #611 Pacheco St., Tondo, na ga­ling sa pagsisimbang-gabi dakong alas-5:00 noong Lunes, sa Amarlanhagui St., Tondo.

Dinala ang biktima ng mga kaibigan nito sa Mary Johnston Hospital na nakabaon pa ang ginamit na patalim sa kanyang likod subalit idineklarang dead-on-arrival.

May black-eye pa ang kanang mata ni Marlon­ nang habulin at  kuyugin siya ng mga tambay sa tapat ng burol ng biktima sa Pacheco St., nang dumaan ito at magparinig umano ng “Ayan, nakaburol na ’yung napatay namin.”

Dinakip siya ng MPD-Station 1 at itinurn-over sa Homicide Section.

Show comments