^

Metro

Driver inararo ng truck patay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Halos mapugot ang ulo ng isang 32-anyos na driver ma­karaang humampas ang katawan sa nawasak na windshield ng sinasakyang delivery van matapos na salpukin buhat sa likuran ng isang trailer truck, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

 Nakilala ang nasawi na si Rolly Cerenio, may-asawa, at dating naninirahan sa C. Raymundo Avenue, Brgy. Maybunga, Pasig City. Hawak naman ngayon ng pulisya ang nakabanggang truck driver na si Alexander Santos, 49, binata, at naninirahan sa B. Mayor, Bustos, Bulacan.

 Sa ulat ng Traffic Section ng Taguig City Police, naganap ang insidente dakong alas-4:20 ng madaling-araw sa southbound lane ng C-5 Road, Brgy. Western Bicutan, Taguig.

 Nabatid na huminto sa fast lane ng C-5 Road ang delivery van (RJN-631) na mina­maneho ni Cerenio nang biglang magkaaberya umano sa compressor ng air brake nito.  Rumaragasa naman buhat sa likuran nang bumangga ang dambuhalang trailer truck (ZCT-668) na minamaneho naman ni Santos.

 Sa lakas ng pagkaka­bangga, humampas ang ulo at katawan ng biktima sa windshield ng kanyang van na na­wasak. 

ALEXANDER SANTOS

BRGY

BULACAN

PASIG CITY

RAYMUNDO AVENUE

ROLLY CERENIO

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

TRAFFIC SECTION

WESTERN BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with