^

Metro

UP employee nagbaril sa loob ng campus

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang empleyado ng University of the Philippines-Diliman ang umano’y nagpakamatay sa pama­magitan ng pagbaril sa sarili sa loob ng nasabing campus kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PO1 Allan Qui­sumbing ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, ang biktima na si Moises Amelito Pancho, 38, laboratory assistant sa College of Engineering ng nasabing unibersidad.

Natagpuan itong walang buhay sa may football field ng unibersidad, katabi ng Bahay-Alumni, ganap na alas-10:30 ng gabi.

Bago nito, nagpa­patrulya ang security guard na si Rosete Jalohoy nang mapuna nito ang isang lalaki na nakahandusay sa madilim na bahagi ng nasabing lugar.

Unang inakala ng sekyu na nakatulog ang biktima o biktima ng holdap, pero nang kanyang lapitan ay bumulaga sa kanya ang duguang ulo nito.

Sa pagsisiyasat ng awtoridad, natagpuan sa tabi ng biktima ang isang pen gun o sumpak na pina­ni­niwalaang ginamit nito sa pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang bibig at ang bala ay naglagos sa ga­wing likod.

Ayon naman kay Basilio, tatay ng biktima, wala siyang nalalamang dahilan upang magpakamatay ang kanyang anak maliban sa pagkakaroon ng away nito sa kanyang misis.

Patuloy ang pagsi­siyasat ng pulisya sa nasabing insidente upang matukoy kung may na­ganap na foul play.

vuukle comment

ALLAN QUI

AYON

BAHAY-ALUMNI

COLLEGE OF ENGINEERING

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

MOISES AMELITO PANCHO

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

ROSETE JALOHOY

SHY

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES-DILIMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with