Kambal na fetus natagpuan

MANILA, Philippines – Dalawang fetus na babae na pinaniniwalaang kambal ang iniwan sa tapat ng isang bahay, sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni SPO1 Amelito Lopez ng Manila Police District-Homicide Section, ang mga fetus na tinatayang nasa pito hanggang walong buwan ay nakasilid sa pulang plastic bag at karton na kahon bago iniwan sa tapat ng no. 682 Rizal Avenue St., Sta Cruz.

Nadiskubre ito dakong alas-9:15 ng umaga ng isang Randy  Odonio, 23, helper at ipinabatid kay Chairman William­ Lising  ng Barangay 300, Zone 30, District 3.

Show comments