^

Metro

Random drug testing sa bus terminals sinimulan ng LTO-LTFRB

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Land Transportation Office at Land Transportation Fran­chising and Regulatory Board (LTO-LTFRB) kahapon ang random-free drug-testing sa mga pangunahing bus terminals sa Metro Manila, Metro Cebu at Bacolod City, sa ilalim ng Oplan Ligtas na Krismas program.

Ayon kay Transpor­tation and Communications Sec­retary Mar Roxas II, ang drug testing ay gagawin mula December 21-23 kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga magbibiyahe ngayong holiday.

Gagawin din ang drug testing campaigns mula Enero­ 2-3, 2012 para ma­tiyak na ligtas ang mga mamamayang pabalik sa kanilang tahanan.

Ang LTO at LTFRB officers ay magsasagawa ng random drug testing sa mga drivers at bus terminals sa Cubao, Pasay, at Sampaloc, sa Manila, North Terminal sa Bacolod City, at South Bus Terminal sa Bacalso Ave, Cebu City.

Nitong nakaraang linggo, nagtipun-tipon ang 19 attached agencies ng DOTC para bumuo ng plano na ti­tiyak sa kaligtasan, abot kaya, at kampanteng pagbiyahe ng mga mamamayan ma­ging sa lupa o sa kara­gatan, ngayong holiday season­.

BACALSO AVE

BACOLOD CITY

CEBU CITY

COMMUNICATIONS SEC

LAND TRANSPORTATION FRAN

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MAR ROXAS

METRO CEBU

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with