^

Metro

BJMP imomobilisa sa mga biktima ni Sendong

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nasa full red alert status ngayon ang buong tropa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) hindi dahil sa alarma sa mga piitan, kundi upang makatulong sa pamamagitan ng pagtulong sa relief and rescue operation sa mga sinalanta ng bagyong Sendong sa Region 10. Agad na binuo ni BJMP Chief, Jail Director Rosendo M. Dial ang BJMP Bayanihan Project para makahanap ng suporta mula sa lahat ng BJMP unit sa buong bansa para tumulong sa mga biktima ng bagyo.

Ayon pa kay Dial, ang bawat BJMP personnel ay nagbigay ng P100 para sa mga biktima ng kalamidad bilang tugon sa panawagan ni Secretary of Interior and Local Government Jesse M. Robredo. May P1 million halaga na ang nakolekta ng BJMP simula nang gawin ang programa at inaasahang tumaas pa ito araw-araw.

Ang BJMP Regions 9, 10, 11, 12, at 13 ay inatasan na ring maki­isa sa misyon sa pamamagitan ng pangungulekta ng donasyon tulad ng damit, relief goods, pagkain, tubig, at iba pang kagamitan na makakatulong sa mga biktima, sabi pa ni Dial. 

AYON

BAYANIHAN PROJECT

BIKTIMA

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

JAIL DIRECTOR ROSENDO M

ROBREDO

SENDONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with