^

Metro

Mister dedo sa gulpi ng kapitbahay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay sa bugbog ang isang 45-anyos na mister makaraang atakihin ng kanyang kapitbahay matapos na makipag-away ang biktima sa kanyang misis, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si Arnel Ifurung, electrician, ng Brgy. 46 Zone 6 Tramo St., dahil sa matinding pinsala sa ulo, habang tumakas naman ang suspect na nakilala sa pangalang George Timtiman, isang dating barangay tanod at residente rin sa na­turang lugar.

Ayon sa ulat, unang nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at asawang si Antonette, 36. Katatapos lamang makipag-inuman ng mag-asawa sa bahay ng isa nilang kaibigan nang mag-umpisang magtalo at magsigawan ang mga ito dahil sa problema ng kanilang pamilya nang parehong lasing na.

Sumuko naman ang lalaki na unang tumalikod sa asawa ngunit naglalakad ito sa naturang lugar dakong alas-11 ng gabi nang biglang sumulpot si Timtiman at agad na sinuntok sa ulo ang biktima na bumagsak sa kalsada. Kahit nakalugmok na ang lasing na biktima, hindi pa rin ito tinantanan ng suspek sa pambubugbog.

Natigil lamang ang panggugulpi ni Timtiman nang dumating ang kapatid nito na siyang umawat sa kanya at saka mabilis na tumakas habang isinugod ng mga kapitbahay ang biktima sa nabanggit na pagamutan.

Tinututukan naman ngayon ng pulisya sa kanilang imbes­tigasyon ang anggulong posibleng selos dahil sa lumalabas sa mga bulungan na may lihim na pagtatangi umano ang suspek sa misis ng biktima.

vuukle comment

ANTONETTE

ARNEL IFURUNG

AYON

BIKTIMA

BRGY

GEORGE TIMTIMAN

KAHIT

PASAY CITY

TIMTIMAN

TRAMO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with