^

Metro

Batangas vice-mayor na binaril sa mall, pumanaw na

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Binawian na ng buhay kahapon ng madaling-araw si Tali­say, Batangas Vice-Mayor Florencio Manimtim Jr. matapos na isailalim sa ikalawang operasyon dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan dulot ng pamamaril sa kanya sa tapat ng isang mall nitong nakaraang Huwebes sa Pasay City.

Matatandaan na naging maayos ang kondisyon ni Manimtim makaraang isailalim ito sa operasyon sa San Juan de Dios Hospital. Ngunit kinailangang muling operahan ito kahapon kung saan inilipat muli sa intensive care unit, gayunman pumanaw ito dakong alas-3 ng madaling-araw.

Matatandaan na tatlong beses na pinagbabaril sa likod si Manimtim habang hinihintay ang kanyang sasakyan sa tapat ng isang mall sa lungsod. Mabilis na tumakas ang tatlong salarin lulan ng isang motorsiklo.

Binuo naman ng Pasay City Police ang Task Force Talisay na siyang tututok sa imbestigasyon sa pagpatay kay Manimtim. Sinabi ni Pasay Police chief, Sr. Supt. Melchor Rosales na naka­tutok sila ngayon sa anggulong politika sa naturang pamamaslang.

Sinabi pa ni Reyes na noong araw ng Huwebes (Disyembre 15) nang isagawa ang pamamaril sa biktima ay makikipagpulong ito sa kanyang abogado para sagutin ang isang election petition sa kanya ng isang kalaban sa politika sa bayan ng Talisay.

vuukle comment

BATANGAS VICE-MAYOR FLORENCIO MANIMTIM JR.

DIOS HOSPITAL

HUWEBES

MANIMTIM

MATATANDAAN

MELCHOR ROSALES

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PASAY POLICE

SAN JUAN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with