^

Metro

Binata pinainom muna bago tinodas

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 21-anyos na binata matapos na pag­tripan ng siga at barkada kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Idineklarang dead-on-arrival sa Ospital-ng Sampaloc ang biktimang si   John Andres Cuevas, ng Mabini St., Sampaloc, sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naaresto naman nina Ka­gawad Maria Paz at Rey Puato ng Brgy. 413 Zone 14 Dist. 4 Sampaloc, Maynila ang mga suspect na sina Rofus Shalonggo, 22, alyas Chekwa at si Anthony Santos, 32, alyas Demet, habang naka­­takas naman ang da­lawa pa nilang kasamahan na sina Jason Baroga at Jon-Jon Nano.

Dakong alas-6:20 ng umaga­ nang mangyari ang insi­dente sa Jocson St. malapit sa kanto ng Cayco St., ng nasabing lugar.

Ayon sa testigong si Alvin Carbinilla, 16, nag-iinuman umano sina Shalonggo at Santos nang mapadaan ang biktima at niyaya itong tumagay.

Subalit makalipas ang ilang sandali ay umalis ang dalawa at iniwang mag-isa ang biktima sa inuman at nang bumalik ay kasama na ng dalawa sina Baroga at Nano na pawang may mga dalang patalim na isinaksak sa biktima.

Nabatid na kilalang nangu­ngursunada ang mga suspect sa lugar kung saan may patung-patong na mga kaso. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa kaso para sa ikadarakip pa ng dalawang nakatakas na suspect.

vuukle comment

ALVIN CARBINILLA

ANTHONY SANTOS

CAYCO ST.

JASON BAROGA

JOCSON ST.

JOHN ANDRES CUEVAS

JON-JON NANO

MABINI ST.

MARIA PAZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with