^

Metro

Pamilya, 6 utas sa sunog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Hindi na nakalabas sa kanilang nagliliyab na bahay ang limang miyembro ng isang pamilya at kanilang kasambahay na naging dahilan ng kanilang sama-samang kamatayan matapos na sumiklab ang isang sunog sa kanilang lugar sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Hindi na nakalabas ng kuwarto ang mag-asawang Joseph at Ana Edloy at kanilang mga anak na sina Johanna May, 6; Eloisa May, 3; at Ryan, 2, matapos mabagsakan ng kisame. Huling natagpuan naman ang labi ng kasambahay ng pamilya Edloy na nakilalang si Jessica­ Palermo.

Sa inisyal na ulat ng Bureau­ of Fire Protection (BFP), sumiklab ang na­turang sunog dakong ala-1 ng madaling-araw sa kanto ng Baltazar at Caliwag Sts. sa Brgy. Pinagbuhatan ng naturang lungsod.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa natumbang kandila sa bahay ng isang Jeffrey Alano na kanilang gamit makaraang maputulan ng kuryente ang kanilang lugar. Mabilis na nilamon ng apoy ang bahay ni Alano na gawa lamang sa light materials at kumalat sa mga ka­tabing bahay.

Aabot sa 40 bahay ang natupok sa naturang sunog­ bago naapula ng mga bumbero­.

Humihingi naman ngayon ng agarang saklolo ang mga apektadong mga residente ng sunog kay Pasig Mayor Rober­t Eusebio at sa nas­yunal na pamahalaan.

vuukle comment

ANA EDLOY

CALIWAG STS

ELOISA MAY

FIRE PROTECTION

JEFFREY ALANO

JOHANNA MAY

KANILANG

PASIG CITY

PASIG MAYOR ROBER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with