Mga estudyante sugatan sa lantern parade

MANILA, Philippines - Nagmistulang bangungot ang Lantern Festival sa loob ng University of the Philippines sa Quezon City  matapos su­miklab sa iba’t ibang direksyon ang mga paputok sa mataong lugar kamakalawa ng gabi kung saan karamihan sa nasugatan ay mga estudyante.

Kabilang sa mga estudyante na naisugod sa Capitol Medical Center ay si Joemerson Salazar, 3rd year college, na nahimatay matapos tamaan ng paputok sa kanyang ulo.

Maging ang ilang hindi mga estudyante na nanonood ay nasugatan partikular na ang isang matandang babae na natumba matapos magpulasan sa iba’t ibang direksyon ang mga estudyante.

Dahil sa naganap na kaguluhan, sinabi ni Vice Chancellor for Community Affairs Melania Abad na magpapa­tawag siya ng emergency meeting ng school officials para maimbestigahan ang nasabing insidente.

Show comments