Pahinante pisak sa cargo truck

MANILA, Philippines - Malungkot na Kapaskuhan ang sumalubong sa pamilya ng isang 30-anyos na pahinante makaraang magulungan ng cargo truck at mamatay noong Biyernes sa Commonwealth Avenue sa Brgy. Old Capitol Site sa Quezon City.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Maximo Sabio, hepe ng Traffic Sector­ 5 ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit, kinilala ang biktima na si Ronald Abraham, tubong Bacolod at nakatira sa Pruto Santos Avenue, Pulang Lupa 1 sa Las Piñas City. Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng truck na si Joel Aranas, 34, may-asawa, tubong Zamboanga.

Lumilitaw na iniinspeksyon ng biktima ang bumukas na pintuan ng generator na hinihila ng trak ng suspek nang biglang umandar ang sasakyan. Dito na naipit ang biktima na napag-utusan lamang ng drayber na silipin ang kanilang hinihilang generator.

Show comments