^

Metro

Driver dinedo dahil sa bonus

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pumatay ang isang 20-anyos na stay-in helper bilang bawi sa naipatalong Christmas bonus na inaasahan sanang lumago matapos pagsasaksakin ang isa sa sugalan sa panulukan ng Clavel at Barcelona St. sa Binondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Nadakma naman ng mga tauhan ng Manila Police District-station 11 at MPD-Special Weapons and Tactics ang suspek na si Rafael Monares Suson, Tubong Osamis­ Occidental at nakatira sa Barcelona St., Binondo.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Danilo Mateo Cuenta, 42, sidecar boy, ng Sevilla  St., Binondo, Maynila.

Sa ulat ni PO2 Jupiter Tajonera ng MPD-Homicide Section, katatanggap ng bonus na P3,000 ni Suson mula sa amo bukod pa sa sweldo nito kaya naisipang maglaro ng pusoy sa lamayan kaya dumayo ito sa nasabing kalye upang magsugal.

Nagbangka sa sugal ang suspek kung saan naubos ang nakuhang bonus­ kaya napagdiskitahan ang biktima na inakusahang nakikipasabwatan sa magkakapitbahay upang siya ay talunin.

Dito na pinagsasaksak ng suspek ang biktima bago tumakas subalit naaresto naman ng pulisya.

vuukle comment

BARCELONA ST.

BINONDO

DANILO MATEO CUENTA

HOMICIDE SECTION

JUPITER TAJONERA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

RAFAEL MONARES SUSON

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

TUBONG OSAMIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with