^

Metro

Kelot tinadtad ng bala

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Tinaniman ng bala sa ulo, mukha at tiyan ang isang 29-anyos na lalaki habang mag-isang umiinom ng alak sa harapan ng isang sari-sari store sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.    

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Rolando Flores, alyas “Tabok”, ng Pilar St., Tondo.

Kaswal lamang na nag­lakad papalayo ang di pa kilalang lalaki matapos paulanan ng bala ng baril ang biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:25 ng ma­daling- araw nang maganap ang pamamaril sa harapan ng Cortez sari-sari store sa isang eskinita malapit sa bahay ng biktima.

Isinugod naman ng mga residente sa nasabing ospital ang biktima kung saan ito idineklarang dead-on-arrival.

Naniniwala ang awtoridad na may matinding galit ang suspect dahil sa tinadtad ito ng bala.

vuukle comment

ISINUGOD

KASWAL

MAYNILA

NANINIWALA

OSPITAL

PILAR ST.

ROLANDO FLORES

TABOK

TINANIMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with