MANILA, Philippines - Sinamsam ng mga elemento ng National Meat Inspection Commission (NMIS) ng Dept. of Agriculture ang may 400 kilo ng frozen meat sa Bicutan Market sa Taguig.
Ito ayon kay Dr. Fernando Lontoc, head ng NMIS ay iba pa sa 100 kilo ng frozen meat na nasamsam ng kanyang mga tauhan sa Commonwealth market sa nabanggit na lungsod.
Sinabi ni Lontoc na bawal itinda ang frozen meat sa mga palengke dahil nakatiwangwang lamang ito sa mga palengke kaya’t maaaring makontamina ito ng mga bacteria at iba pang virus na makakaapekto sa kalusugan ng taong kakain nito.
Nakikipag-usap na rin anya siya kay Customs Commissioner Ruffy Biazon na kung maaari ay tulungan silang imonitor ang pagpasok ng mga frozen meat upang maiwasan din ang pagpupuslit nito.