^

Metro

3 magsisimbang gabi, biktima ng hit and run

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Hindi naging masuwerte ang unang araw ng pagsi­simbang gabi ng tatlong kasambahay makaraang mabiktima ang mga ito ng hit-and-run habang patungo sa isang simbahan sa lungsod Quezon kahapon ng ma­daling-araw.

Ayon sa inisyal na impormasyong ibinigay ng ba­rangay official, ang mga biktima ay ang magpinsang sina Crisanda at Melba Tangkino, at isang alyas Junri, na pawang isinugod sa paga­mutan bunga ng mga tinamong pinsala sa kanilang katawan.

Samantala, tanging numero ng plaka naman ang natukoy sa nasabing sa­sakyan, ang PJU-239 na nakatakdang alamin ng awto­ridad upang matukoy kung sino ang driver at mapanagot sa kanyang ginawa.

Nangyari ang insidente sa may 4th St., malapit sa Madison St., New Manila, Brgy. Marianas ganap na alas-4:20 ng madaling-araw.

Diumano, naglalakad ang mga biktima patungo sa Mount Carmel para magsimbang gabi nang biglang sumulpot ang isang kulay pulang sasakyan at bundulin ang mga una.

Sa kabila ng pagkaka­sagasa ng sasakyan sa mga biktima ay hindi natinag ang driver nito at mabilis na huma­rurot papalayo sa lugar, subalit hinabol ito ng isang miyembro ng NGO’s na nagtatrapik sa lugar kung kaya nakuha ang plaka nito.

Ang mga biktima ay agad na isinugod naman sa na­turang ospital kung saan ini­ulat na nasa malubhang kalagayan si Crisanda.

vuukle comment

AYON

BRGY

CRISANDA

DIUMANO

MADISON ST.

MELBA TANGKINO

MOUNT CARMEL

NEW MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with