^

Metro

Namatayan na, ginigipit pa

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Iminungkahi ni Manila 3rd District Councilor Re Fugoso ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon laban sa mga punerarya na naniningil ng malaki sa mga pamilya ng   namatayan.

Ayon kay Fugoso, hindi makatao ang ginagawa ng mga punerarya na naniningil ng malaki kung saan inaabuso ang pagkalito ng isipan ng pamilyang namatayan.

Sinabi ni Fugoso na modus operandi ng mga punerarya na papirmahin ang mga pamilya ng namatayan sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.

Kadalasan din umanong sangkot ang mga pulis sa modus kung saan ito ang kumokontak sa mga pune­rarya kapalit ng komisyon kung saan kukunin naman ng punerarya sa mga namatay.

Kaugnay nito, naniniwala naman si City Administrator Jesus Mari Marzan na ma­laking kaso ang kakaharapin ng mga punerarya na nagsa­samantala.

Payo nito sa mga pamilya, iwasang pumirma sa anumang kontrata dahil ito ang ginagamit ng mga puneraryang collateral o basehan upang gipitin ang mga maliliit na pamilya.

AYON

CITY ADMINISTRATOR

DISTRICT COUNCILOR RE FUGOSO

FUGOSO

IMINUNGKAHI

JESUS MARI MARZAN

KADALASAN

KAUGNAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with