^

Metro

Binatilyo utas sa kapwa binatilyo

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Patay ang isang binatilyo at malubha namang na­sugatan ang dalawang ka­sama nito nang saksakin ng isang kabataang lalaki kahapon ng umaga sa Navotas­ City.

Nasawi noon din ang biktimang si Angelo Baluyot, 17, ng Brgy. Daang Hari ng nabanggit na siyudad, nagtamo ito ng ilang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, ginagamot naman sa Tondo Medical Center ang dalawa pang biktima na sina Maridel Paynante, 26; at Daniel Con­treras, 20, kapwa nakatira sa nabanggit na lugar, nagtamo rin ang mga ito ng saksak sa kani-kanilang katawan.

Samantala, nasa custody naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang suspek na si Ronnel 16.

Sa imbestigasyon ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas-2 ng umaga sa kahabaan ng Paltok St., ng nabanggit na barangay.

Pinuntahan ng mga bik­tima ang suspek para komprontahin ito kung bakit kinukursunada nito ang kanilang kaibigan na nagnga­ngalang Tom.

Subalit nagalit ang suspek at nagwala hanggang sa binunot nito ang naka­tagong patalim at pinagsasaksak ang mga biktima.

vuukle comment

ANGELO BALUYOT

DAANG HARI

DANIEL CON

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

MARIDEL PAYNANTE

NAVOTAS CITY POLICE

PALTOK ST.

SAMANTALA

SHY

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with