^

Metro

Pulis na magpapaputok ng baril kakalusin - PNP Chief

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Binalaan kahapon ni PNP Chief Director General­ Nicanor Bartolome na ma­nanagot sa batas at parurusahan ang mga pulis, sukdulang sibakin pa ang mga ito sa serbisyo kapag napatunayang nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

“I am forewarning against indiscriminate firing­ of firearms, especially during­ the yuletide and New Year celebrations as the full force of the law will be dealt to violators,” mariing babala at paalala sa may 140,000 malakas na puwersa ng PNP ni Bartolome.

Kasabay nito, idineklara naman ni Bartolome ang Camp Crame bilang “no firecracker zone’ kaugnay sa pagtalima sa ‘Oplan Iwas Paputok’ ng pamahalaan sa target na ‘zero casualties ‘ sa pagsalubong sa pagpapalit ng taon.

Sa ibinabang direktiba ng PNP chief kahapon, ini­utos nito na ilagay sa ‘silence mode’ ang baril ng mga pulis­ bago ang Pasko at maging sa tradisyunal na selebrasyon ng Bagong Taon.

Ayon kay Bartolome na pangungunahan niya mismo ang pagseselyo sa dulo ng baril ng mga pulis sa Camp Crame upang ma­iwasan na makabiktima ito ng mga inosenteng sibilyan.

AYON

BAGONG TAON

BARTOLOME

BINALAAN

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL

NEW YEAR

NICANOR BARTOLOME

OPLAN IWAS PAPUTOK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with