^

Metro

Tricycle driver todas sa kuryente

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang tricycle driver makaraang makuryente sa bakal na gate ng isang bahay habang nasa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si Federico Palermo, 40, ng Magtibay St., ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay City Police, naganap ang insi­dente dakong alas-12:30 ng madaling araw sa tapat ng bahay ng isang Lito Caronan sa Benito Hernandez St., ng naturang lungsod.

Nabatid na kahahatid pa lamang ng biktima sa pasahero nitong si Chen Hua Bi sa naturang bahay na inuupahan kay Caronan. Bumaba naman ng kanyang tricycle ang biktima upang magkabit ng trapal dahil sa umuulan nang biglang madikit ito sa bakal na gate ng bahay at biglang nagkikisay.

Huli na nang masaklolohan ng mga kapwa tricycle driver ang biktima na nakita pang kumikislap ang katawan sa boltahe ng kuryente.

Inaalam naman kung may nakakabit na “anti-intruder system” ang naturang gate ng mag-asawang Chen laban sa mga magnanakaw.

vuukle comment

BENITO HERNANDEZ ST.

BUMABA

CARONAN

CHEN

CHEN HUA BI

FEDERICO PALERMO

LITO CARONAN

MAGTIBAY ST.

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with