^

Metro

Dalagitang pasyente, binuntis ng albularyo

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Arestado ang isang albularyo matapos ireklamo ng mga magulang ng nabuntis na 17-anyos na dalagita na pasyente ng una sa Caloocan City.

Nakakulong sa Caloocan City Police at nahaharap sa kasong consented abduction si Armando Guaño, 41 ng Libis Espina ng lungsod.

Sa reklamo sa pulisya ni Aling Carol, 61, ng Dagat-dagatan ng nabanggit na lungsod, nabatid na buwan ng Abril, 2011 dinala niya ang kanyang anak na dalagita sa suspek dahil sa namamaga ang lalamunan nito.

Naging regular na ang gamutan at pagsapit ng buwan ng Agosto ay nawala na ang kanyang anak at nawala na rin ang suspek na naging dahilan upang humingi na siya ng tulong sa mga pulis makaraang makatanggap siya ng impormasyon kamakalawa ng hapon na sa Banahaw, Quezon City itinago ni Guaño ang biktima.

Agad na nagpasama sa mga pulis si Aling Carol at nang puntahan ang pinagtataguan ng suspek ay nakita at nabawi ang anak habang dinakip naman si Guaño ng mga pulis.

Nang ipasuri ang biktima ay magdadalawang buwan na itong buntis at wala rin ito sa sarili na parating may binabanggit na nakakakita siya ng lumulutang na lalaki

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

ALING CAROL

ARMANDO GUA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

GUA

LIBIS ESPINA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with