^

Metro

Lim, namigay ng gift pack, cash sa OsTon

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Maagang nakatanggap ng pamasko mula kay Manila Mayo Alfredo Lim ang mga pasyente ng Ospital ng Tondo (OsTon) matapos na magsa­gawa ito ng pagbisita kama­ka­lawa.

Kasama sina OsTon director Dr. Jun Cando; deputy director Karl Oliver Laqui at medical officer Dr. Allan Hernandez, pinuri ni Lim ang pamamalakad ni Cando sa nasabing ospital kaugnay sa pagbibigay ng medical attention sa mga nangangailangan.

“Ituloy lang ninyo ang pagbibigay serbisyo.  Huwag na ninyong tanungin kung saan nakatira,” ani Lim.

Pinaalalahanan din ni Lim ang lahat ng mga staff, nurses­ at doctor na panatilihing nakangiti sa pagbibigay ng ser­bisyo upang mas nagkakaroon ng lakas ng loob ang mga pasyente.

Ayon naman kay Cando, malaki ang pasasalamat nila kay Lim dahil tinitiyak nitong sapat ang mga kailangang ka­gamitan at gamot para sa mga mahihirap na maysakit lalo na ang mga residente ng Tondo.

Aminado si Cando na hindi niya kayang patakbuhin ng nag-iisa ang ospital kung kaya abut-abot naman ang kanyang pasasalamat sa may 200 empleyado nito.

Nagpapasalamat din si Cando, sa tulong ni Romy Chua, pangulo ng Manila Chamber of Commerce at Jose Abad Santos Business Association, sa walang sawang pagtulong nito sa ospital.

“Ang maigaganti natin sa suportang ibinibigay ni Mayor­ Lim ay ang pagpapakita ng pagmamahal at pagbibigay ng serbisyong may puso sa ating mga pasyente. Let us serve with passion and dig­ nity,” dagdag pa ni Cando.

CANDO

DR. ALLAN HERNANDEZ

DR. JUN CANDO

JOSE ABAD SANTOS BUSINESS ASSOCIATION

KARL OLIVER LAQUI

MANILA CHAMBER OF COMMERCE

MANILA MAYO ALFREDO LIM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with