Lolo nagbaril sa sarili
MANILA, Philippines - Patay ang isang 74-anyos na lolo makaraang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sentido sa lungsod Quezon.
“Ako ang may kagagawan nito, walang dapat sisihin, patawad Linda.”
Ito ang huling sulat na iniwan ng biktimang si Angel Coloma, sa kanyang asawa matapos na tapusin ang kanyang buhay sa loob ng kanilang tirahan sa Brgy. Lagro, Quezon City.
Ayon sa ulat ni PO3 Jo gene Hernandez, may-hawak ng kaso, ang biktima ay natagpuan na lamang ng kan yang asawang si Linda habang nakahandusay sa sahig ng kanilang bahay ganap na alas-3:30 ng hapon.
Bago nito, naiwan umanong mag-isa ang biktima sa bahay, at posibleng ginawa nito ang pagpapakamatay upang maging malaya sa kanyang gagawin.
Narekober ng mga awtoridad sa lugar ang isang kalibre 38 baril na may apat na bala at isang basyo nito.
Wala namang makitang motibo ang awtoridad sa tunay na dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima.
- Latest
- Trending


















