12 sugatan sa karambola ng mga sasakyan

MANILA, Philippines - Aabot sa 12 pasahero ang iniulat na nasugatan matapos magkarambola ng dalawang pampasaherong bus at isang taxi sa Quezon City kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 3, naganap ang road mishap dakong alas-11 ng umaga kahapon sa kahabaan ng EDSA Cubao at Aurora Blvd. sa nabanggit na lungsod.

Naisugod naman ang mga sugatan sa Quirino Labor­ Hospital at East Ave­nue Medical Center.

Lumilitaw na nagbanggaan ang Alps Bus Liner (TYS-418) ni Ricardo An, 58; at Malanday Bus MetroLinks Bus (TWR-385) ni Wilson Ilagan, 51.

Habang nadamay naman sa karambola ang taxi (TXS-431) ni Reynaldo Samortin, 53.

Inaalam pa ng ilang traffic investigator  ang sanhi ng sakuna.

Show comments