^

Metro

Bangkay hinigop ng MMDA pump station

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng ’di-pa nakilalang lalaki ang natagpuang nakahalo sa mga basurang hinigop ng pumping station sa Muelle de Binondo sa Maynila, kahapon ng umaga.

Agnas na ang bangkay na inilarawang nasa 25-35 anyos, 5’2’’ hanggang 5’4’’ ang taas, maiksi ang buhok, kayumanggi, naka­suot ng dilaw na sando at sky blue ang short pants.

May kuwintas ding beads na violet at may krus, may 5 rubberized na bracelets sa kaliwang kamay at 3 iba pa sa kanan.

Sa ulat ni SPO2  Benito  Cabatbat, dakong  alas-8:15 ng umaga nang maispatan ng tauhan ng MMDA-Binondo Pumping Station  ang bangkay na lumulutang sa ilog kaya kaagad na ipinagbigay-alam sa Philippine Coast Guard.

Posibleng ipinadpad lamang ang bangkay at lumulutang sa Pasig River hanggang sa mahigop papasok sa erya ng pumping station, kasabay ang mga basura.

vuukle comment

AGNAS

BENITO

BINONDO

BINONDO PUMPING STATION

CABATBAT

ISANG

MAYNILA

PASIG RIVER

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with