Trader utas sa ambush
MANILA, Philippines - Patay ang isang 39-anyos na negosyante nang barilin ito sa mata ng dalawang kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Lawrence Segul, ng Tambakan St., Maypajo ng nabanggit na siyudad.
Samantala, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga suspek at nagsasagawa pa ng follow-up laban dito.
Sa inisyal na report ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng gabi malapit sa bahay ng biktima.
Naglalakad umano ang biktima nang biglang sumulpot ang dalawang suspek na armado ng baril at walang sabi-sabing pinaputukan ang una na tinamaan sa mata na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.
- Latest
- Trending