Ecstacy naka-capsule form na - PDEA
MANILA, Philippines - Ang mga ibinibentang iligal na droga na ecstasy sa mga mayayamang kabataan ay nakalagay na sa pormang kapsula hindi tulad ng nakagawiang nasa tableta, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay PDEA director general Jose Gutierrez Jr., ang ganitong kalakaran ay kanilang nalaman matapos na maaresto ang tatlong kalalakihan na nagbebenta ng ecstacy sa isinagawang buy-bust operation sa Vic Arnaiz St., Makati city, ganap na alas-9 kamakailan.
Kinilala ang mga nadakip na suspects na sina Yuri Derain-Minagawa, Filipino-Chinese, 24; Quintin Fernandez, 31; at Christian Niño de Leon, 31. Nakuha sa kanila ang 10 piraso ng ecstacy na naka-capsule.
Ayon kay Gutierrez, ang nakumpiskang ecstasy sa mga suspect ay may pagkakaiba sa karaniwang tableta na nagpapakita lamang anya na ang mga drug personalities ay nagiging mapaglikha sa paggawa ng droga para makaiwas sa pagtugis.
Ang pangunahing merkado umano ng ecstacy ay mga mayayamang kabataan at mga kabataang professionals. Ibinibenta ang nasabing droga sa halagang P1,000 kada piraso.
- Latest
- Trending