^

Metro

Lola lasog sa bus

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang lola ang nasawi makaraang mabundol ng rumaragasang bus habang tumatawid sa south-bound lane ng Bonifacio Avenue sa lungsod Quezon kahapon.

Ayon sa Traffic Sector 1 ng Quezon City Police District, hanggang sa kasalukuyan ay blangko pa rin sila sa pagka­kakilanlan ng biktima dahil walang sinuman ang kumilala sa bangkay nito.

Hawak naman ng awtoridad ang driver ng bus na si Marlon Macaraeg, 40, para sa kaukulang pagsisiyasat.

Nangyari ang insidente malapit sa Ipo St., Brgy. N.S. Amoranto ganap na alas-5:30 ng umaga.

Tinatahak ng Genesis bus (CXN-340) na minamaneho ni Macaraeg ang lugar nang biglang tumawid umano ang biktima at mahagip niya ito.

Dead-on-the-spot sa lugar ang biktima na iniwan na lang ng bus sa lugar sa takot na kuyugin ng mga tambay at nagtungo malapit na himpilan ng pulisya para ireport ang pangyayari.

vuukle comment

AMORANTO

AYON

BONIFACIO AVENUE

BRGY

HAWAK

IPO ST.

ISANG

MARLON MACARAEG

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

TRAFFIC SECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with