Urban farming ni Joy B, pinalawak sa QC
MANILA, Philippines - Hinimok ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mga residente ng lungsod laluna yaong nasa posh villages at slum areas na e-adopt ang urban farming sa kanilang lugar upang makatulong na maibsan ang epekto ng climate change sa bansa.
Ito ay sinabi ni Belmonte nang makipagpulong sa mga local officials ng Brgy. Escopa III, Blue Ridge B Subdivision at Ayala Heights, gayundin sa mga miyembro ng iba’t ibang Rotary Club chapters para himukin ang mga ito sa pagtatanim ng gulay at iba pang pananim sa mga open at vacant spaces sa kani-kanilang lugar.
Ang programang ito na tinawag na “Joy of Urban Farming” ay naglalayong maturuan ang mga taga-lungsod ng kahalagahan ng pagtatanim na hindi lamang makatutulong sa kanilang kabuhayan kundi makatutulong din para maibsan ang epekto ng climate change sa mundo. Naisailalim na sa proyektong ito ang may 23 public elementary schools at 37 barangays sa lunsod noong nakaraang taon.
- Latest
- Trending