Bebot nagbigti matapos mag-away ng ka-live-in

MANILA, Philippines - Matapos magtalo ng kanyang live-in partner dahil sa pera, isang babae ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Patay na nang matagpuan ang biktimang si Jennifer Martinez, 37, ng Champaca St., Brgy. Baesa ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga nang makitang nakabigti ng lubid ang biktima sa loob ng kanilang bahay.       

Bago ang insidente, nabatid kamakalawa ng gabi ay nagtalo ang biktima at ang ka-live-in nitong   si Wilmar Oliveros, 21, dahil sa pera.

Umalis umano si Oliveros at nang mag-umaga ay nakitang nakabigti na ang biktima.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis para alamin kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima

Show comments