^

Metro

Dalagita ni-rape ng textmate, 4 pa

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isang dalagita ang umiiyak na nagreklamo sa himpilan ng pulisya dahil umano sa panggagahasa sa kanya ng kanyang text mate at apat pang suspek sa Pasig City, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa naging salaysay ng biktima na itinago sa pangalan Matet, 14, nangyari ang gang-rape dakong alas-2:00 ng madaling araw sa mismong bahay ng kanyang ka -textmate na menor de edad na nakilala sa pangalang Orly, 16-anyos, ng Eastbank Road, Floodway, Pinagbuklod, Brgy. Sta. Lucia, Pasig City.

Sa follow-up operation ay nadakip din ng Mandaluyong Police ang limang suspek kabilang si Orly, Kevin Llloyd Umali 19, Henry Minoza, 21, Rosario Jason at Mar Jason, pawang residente ng Pitogo St., Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Sinabi ng biktima, ibinigay lang sa kanya ang number ng suspek na si Orly ng kanyang kaibigan kung kaya’t naging ka-textmate niya ito, hanggang sa ayain umano siya nito na magkita sila sa isang lugar kung saan nagtatambay ang grupo ng suspek sa Triangle, Eastbank Road.

Isang linggo na umanong mag-ka textmate ang dalawa kung kaya’t pinaunlakan ng dalagita ang pagkikita nila ni Orly sa isang inuman at doon umano siya nilasing at ginahasa.

vuukle comment

BRGY

EASTBANK ROAD

HENRY MINOZA

ISANG

KEVIN LLLOYD UMALI

MANDALUYONG POLICE

MAR JASON

PASIG CITY

PITOGO ST.

ROSARIO JASON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with